Kasarinlan

Handa na nga ba ang lipunang Pilipino makakita ng lalaking may pusong babae o kaya naman babaeng may tindig ng lalaki? Aminin man natin o hindi, ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa. Sa simpleng isyung pang-kasarian pa nga lamang ay hindi na kayang harapin ng mga Pilipino. Ano pa kaya kung mas malawak ang saklaw ng mga isyung ito, anong gagawin ng mga Pilipino? Itatago na lang nila ang kanilang mga sarili sa baro’t saya ng kanilang mga ina o kaya naman tatakpan nila ang kanilang mga mukha ng abaniko sapagkat wala na silang masabi? Kung titignan natin ang nakaraan, ang mga Pilipino ay sadyang minaltrato at inalila ng mga dayuhan partikular na ang mga Espanyol. Pinamukha nila sa atin na tayo’y mahina at walang utak dahil dito bumabaa ang ating “self-esteem” kaya wala tayong lakas na lumaban at kumontra sa kanilang mga balakid para sa inang bayan. Kapansin-pansin sa sikat na nobela ni Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, madalas ang mga sumasalungat sa mga Espanyol ay ang mga nakapag-aral sa ibang bansa sapagkat ang mga ideyolohiyang tinuturo sa mga dayuhang paaralan ay liberal at radikal. Halimbawa na lamang ng mga mag-aaral ay sina Crisostomo Ibarra para sa Noli at si Simoune para sa El Fili. Kung hindi dahil kay Rizal, patuloy tayong bulag katotoohanan at hindi pa rin tayo malaya sa kamay ng mga mapangabusong Espanyol.

Pero tunay nga bang natin nakamit ang pagkakakilanlan at kalayaang ipinaglalaban ng ilang siglo ng bawat Pilipino? Sa akin tingin, hindi pa natin nakakamit ang tunay na kalayaan sapagkat tayo’y nakagapos pa rin sa kamay ng mga dayuhan. Sa simpleng usaping wika pa lamang ay masasabi mo ng hindi pa rin tayo tunay na malaya sapagkat sa Pilipinas ang wikang Ingles ang siyang ginagamit sa mga opisyal na transaksyon sa pamahalaan at lalong lalo na sa pagtuturo sa mga silid-aralan. Naniniwala ako na ang wikang Ingles ay nagsilbi ng “status symbol” sa Pilipinas sa kadahilanang kapag marunong kang magsalita at magsulat sa wikang wikang Ingles, itinuturing kang mayaman, matalino o “elite” sa lipunan. Kapag ikaw naman ay gumagamit ng wikang Filipino, itinuturing ka namang taga-kalye. Masakit man pero ito ang realidad sa bansang kinagagalawan natin na ang wikang Ingles ay wika ng mga sosyal at mga mayayaman at ang wikang Filipino ay wika ng mga taong taga-palengke at mga skwater. Oo totoo ngang ang wikang Ingles ay wika ng mga mayayaman sapagkat ito ang wikang ginagamit sa mga “business transaction” sa kadahilanang ang Pilipinas ay nagiging “globally competitive” na pero hindi ibig sabihin na ang wikang Filipino ay wika ng mga dukha sapagkat ang wikang Filipino ay ang sariling pagkakakilanlan natin sa buong mundo kung wikang Ingles ang wika nga mga Filipino ano pa ang pinagkaiba natin sa mga Amerikano?

Isang punto ito ng pagtatanto para sa atin, tinuturuan tayo ng mga ganitong mga kaganapan upang pagnilayan ang nakasasamang mentalidad. Isipin muna natin kung makabubuti ba ito sa ating sarili, sa ating kapwa at lalo na sa ating bayan. Nawa’y matuto tayong maging “proud” sa ating wika sapagkat ang wikang Filipino ay sariling atin at representasyon ng ating pagkakakilanlan sa buong mundo. Wag nating hahayaan ang ating pagiging konserbatibo maging balakid sa pagkakaroon ng pagkakaisa at tunay na kalayaan- kalayaan sa pag-iisip at kalayaan para sa sarili. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa bawat isa. Tayo’y mga Pilipino at ipagmalaki natin ang wikang Filipino!

Leave a comment