Kung May Magagawa Lamang Ako

Noong ako ay nasa elementarya at hayskul, maituturing ko ang aking sarili na isang taong semi-apathetic (kung mayroon mang ganitong salita) kapag ang usapin ay social issues. Ngunit simula nang ako ay pumasok sa UP, unti-unti na ring namumulat ang aking mga mata sa iba’t ibang realidad tungkol sa ating lipunan ngayon.

Noong ako ay nasa unang taon sa kolehiyo, madalas akong nasa mga silid-aklatan o ‘di kaya ay naglalakad sa academic oval. Pagkatapos ng aking klase isang araw, habang ako ay naglalakad sa tapat ng Palma Hall, nakita ko sa kabilang kalsada ang isang matandang babaeng may buhat-buhat na trey ng paninda niyang donut. Siya ay isang babaeng kababakasan ng pagpupursigi at paghihirap sa buhay. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Bakit kailangang may maghirap? Bakit napaka-unfair ng buhay?

Lola donut

Simula noon, mas napadalas ang paglalakad ko sa acad oval. Simula noon, tuwing nakikita ko si lolang naglalako ng donut, bumibili ako. Iniisip ko kasi, kapag bumili ako, makakatulong akong gumaan kahit na papaano ang bitbit niya. At dahil alam kong kailangan niya talagang kumita, hindi ko na kinukuha ang sukli. Sobrang natutuwa ako at naluluha tuwing nagpapasalamat siya. Lagi kong iniisip na parang ako pa yata ang dapat na magpasalamat sa kanya kasi dahil sa kanya, marami akong napagtanto. Bakit hindi natin isiping sa bawat luho natin, sa bawat reklamo natin sa ating mga magulang dahil hindi nila tayo mapagbigyan agad sa mga gusto natin… ay may mga taong gaya ni lola na ang tanging hangad lang ay mapakain nang sapat at mapag-aral ang kanyang mga anak at mga apo? Sa lipunang ating ginagalawan ngayon, kahit isang beses ba, naisip nating mayroon pang mga tulad niya na masaya na sa simpleng buhay lang? Na hangga’t kaya niya, kakayod siya para sa pamilya niya?

Isang araw nang ako ay naglalakad sa UPSE Walkway, nakita ko ulit si lola. At sa pagkakataong ito, kaunti nalang ang dala niyang donut. Tuwang-tuwa ako kasi hindi siya gaanong hirap sa bitbit niya. Habang kinukuha ko ang perang pambayad sa binili kong donut, tinanong ko kung saan siya nakatira. Sinabi niya sa akin kung saan  (pero hindi ko na gaanong maalala). Tinanong ko rin siya kung bakit tila nagmamadali siya. Sabi niya sa akin, uuwi na raw siya pagkatapos niyang maibenta lahat ng donuts niya sapagkat may demolisyon sa lugar nila. Hindi raw sila papayag na basta nalang silang palayasin sa kanila. Matapos naming mag-usap, napaisip na naman ako. Ganoon na nga ba talaga ka-corrupt ang mga lider natin? Sagad-sagaran na nga ba ang kabuktutan nila na hindi man lang nila naisip na ang mga perang dapat sana ay inilalaan sa pagpapatayo ng munting mga bahay para sa mga taong walang-wala talaga ay ginagasta sa kung saan-saang mga luho lamang? Ano na ang nangyayari sa ating bansa?

Kung may magagawa lamang ako para masolusyunan agad-agad ang kahirapan, gagawin ko. Kung may magagawa lamang ako para masolusyunan ang lahat ng problema sa bansa at sa mundo, gagawin ko. Pero sa ngayon, ang tanging magagawa ko, ang tanging magagawa natin ay mag-aral nang mabuti at mabuhay nang marangal nang sa gayon ay kapag tayo na ang mamumuno, kung hindi man mawala ay mabawasan kahit papaano ang kahirapan sa bansa. Sana lamang nga ay tapat at marangal ding mamuno ang mga susunod na henerasyon. Kasi kung gusto natin ng pagbabago, naniniwala akong talagang may magagawa tayo. May magagawa tayo.

Rania B. Panandigan
2013-16344

(Photo credit: Humans of Diliman)

8 thoughts on “Kung May Magagawa Lamang Ako

  1. Salamat sa pagbabahagi sa amin nito! 🙂 Si Lola ay nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay dapat magsipag at mag-aral ng mabuti para sa hinaharap ay mas matulungan pa natin ang mga katulad niyang hirap sa buhay. Inspirasyon din siya dahil kahit mahirap ang buhay ay kumakayod pa rin siya para sa pamilya. Sana ay tayo rin, bilang mga iskolar ng bayan, ay gawin ang lahat ng ating makakawa sa lahat ng bagay at hindi sumuko sa mga pagsubok ng buhay.

    Liked by 1 person

  2. Rania,

    The situation of lola is truly an eye-opener for a lot of UP students. She’s one of the most inspirational people within UP and she makes us realize that we’re blessed and fortunate in life. I agree with you that we have to study well and live a life anchored on honor and excellence. As UP students, society percieves us to be a part of the solution to this country’s problems. I loved reading this article of yours because it is a humble, genuine realization of the truths that bind us as UP students, as Filipinos, and as citizens of the world. 🙂

    Vincent Ramos

    Liked by 1 person

  3. I admire how this post is very genuine 🙂 Lola’s story reminds us that we should truly be thankful for what we have and not whine about the things we do not have. This is especially true for us scholars ng bayan who get good education for a relatively lower cost. As iskos and iskas, I believe, it is our duty to pay it forward to the people to whom we owe this great opportunity.
    – Dominique Ysobel P. Ting, 2013-26108

    Liked by 1 person

  4. Isa si manang sa malaking palatandaan na dapat tayong magsumikap ng mabuti sa ating pag-aaral upang, sumasang-ayon ako kay Karen, tayo’y makatulong sa mga katulad niya. Oo, may magagawa ka, oo may magagawa tayong lahat. Bilang isang iskolar ng bayan nakaatang sa atin ang tungkulin na paglingkuran ang bayan, ang bawat sambayanang Pilipino kahit sa munti nating pamamaraan.

    Liked by 1 person

  5. Nagkausap din kami ni lola minsan at hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niya. “Kaya mo ‘yan, nak” Sa panahon na stressed na stressed ako, si lola ang nagsilbing motivation ko upang tumayo ulit at ‘wag magpatalo sa mga pagsubok ng buhay. 🙂

    Liked by 1 person

  6. Madalas ko din nakikita si Lola sa UP at sa UPSE. Pero inaamin ko, sa pagmamadali ko makapunta sa klase or makauwi, minsan di ko siya pinapansin. pero pagkatapos ko basahin ang blog post na ito, sisimulan ko nang bumili sa kanya sa tuwing makikita ko siya. 🙂 Thank you so much for this blog post!

    Liked by 2 people

  7. Hi Rania! Natutuwa ako at may nagsulat rin dito tungkol sa nakakalungkot pero nakakamotivate na kuwento ni Lola. Sa katunayan, napalabas na rin ang kanyang kwento sa telebisyon, isang patunay na marami nga ang humahanga sa kanya. Pero may magagawa talaga tayo. Nakikiisa ako sa iyo na ang pinakamabuti nating maitutulong sa lahat ng kagaya ni lola ay ang mag-aral ng maayos. Sa totoo lamang, kung sa bawat pagbukas natin ng pahina ng ating mga libro ay sa mga kagaya nila natin ito iniaalay, balang araw ay magbubunga rin lahat ng ating pag-aaral. Kapag nakapagtapos na tayo, huwag na huwag natin kakalimutan magbigay pabalik sa lipunan ng sa gayon ay makatulong na tayo sa kanila at magiging bahagi rin tayo ng pag-unlad at pagbabago.

    Liked by 1 person

  8. This is just my opinion, but if she is an informal settler, then I think that the owner of the land has every right to make them leave. It might seem immoral, but they have no business being there. Also, I think we have a law regarding the relocation of informal settlers. Great story, though!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s